Puntirya ng Philippine Coast Guard (PCG) na magkaroon ng lima pang malalaking barko na gawang Japan, tulad ng 97-meter multi-role response vessel na BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Melchora Aquino (MRRV-9702).

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Tampok ang naturang usapin sa courtesy visit nina Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Japan Coast Guard (JCG) Commandant, Admiral Shohei Ishii, sa PCG National Headquarters, Port Area, Maynila, nitong Nobyembre 4.

Kasama rin sa pagpupulong sina Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ng Embassy of Japan in the PhilippinesDepartment of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, at PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan.

Makatutulong ang mga karagdagang barko sa pagpapalawak ng mga operasyong ng PCG, kabilang ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS), pagsasagawa ng search and rescue mission, at pakikiisa sa humanitarian assistance at disaster response effort ng pamahalaan.