Ibinahagi ng Kapuso comedienne na si Lovely Abella na napanaginipan niya ang pumanaw na komedyante na si Joey Paras.
Mababasa ang istorya sa Instagram post ni Lovely.
"OMG!! Kakagising ko lang at kasama ko siya sa panaginip 😭," ani Lovely.
"Nakita ko ang post ng wake and interment ni mama joey kanina bago ako makatulog, dahil ako ang nagbabantay ng anak ko sa madaling araw kaya umaga ang tulog ko."
"Nagkita daw kami somewhere at ang sabi niya sakin."
Kuwento ni Lovely, tinanong daw sa kaniya ni Joey kung totoo bang patay na siya. Paglalarawan ni Lovely, hindi raw malungkot ang mukha nito, kung gaano raw sila nagkikita noon sa defunct variety Sunday show na "Sunday Pinasaya."
Sagot daw ni Lovely sa tanong ni Joey, "Ma, pupuntahan natin ngayon kung saan ka nakaburol, sobrang ganda matutuwa ka kasi napapaligiran ka ng flowers."
Nang dumating daw sila sa lamay, sumang-ayon daw si Joey na maganda ang set-up sa wake niya.
"Darating mga bisita mo mamaya kung may gusto kang ipasabi, sabihin mo sa 'kin ako magsasabi sa kanila," sabi raw ni Lovely kay Joey.
Sa pagkakataong ito ay nagising na si Lovely.
"Tapos nagising ako, sinabi ko sa asawa ko na napanaginipan ko si mama joey, sabi niya pakinggan mo kung ano ang sasabihin. 😭😭😭."
"Grabe nalungkot ang puso ko, dahil isa siya sa nakatrabaho ko na napakabait at hindi pinagdadamot ang talentong pinagkaloob sa kaniya ni Lord, lagi niya ako [tinutulungan] at lagi ako nagpapatulong sa kaniya kung paano ang tamang atake ng ibang eksena ko sa Sunday Pinasaya. 😭."
"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko, pero isa lang ang nakita ko sa kaniya, ramdam ko na bago siya nawala nasurrender niya ang sarili niya kay LORD kaya hindi masakit para sa kaniya o walang pagsisisi akong narinig mula sa kaniya."
May napagtanto raw si Lovely matapos ang pagpapakita ni Joey sa kaniyang panaginip.
"Ang bilis ng buhay, at alam ko na pinapakita lang ni mama joey sa sitwasyon na to, na kailangan nating ingatan ang buhay na binigay sa atin, wag nating abusuhin ang katawan natin kahit alam nating kaya pa, mag-ipon tayo habang kumikita at may trabaho pa, para kahit papano handa tayo sa mga mangyayari 🙏🏻🙏🏻🙏🏻."
"Marami ang nagmamahal sayo ma at isa na ako don ❤️🙏🏻"
"May we request to include him in your prayers for the eternal repose of his soul. 🙏🏻"
View this post on Instagram
Pumanaw si Joey noong Oktubre 29 sa gulang na 45, ayon sa opisyal na pahayag mula sa kaniyang kaanak.
Hindi nabanggit ang dahilan ng pagkamatay ni Paras pero nagkaroon ito ng problema sa puso noong 2018 kung saan kinabitan siya ng CRTP device o cardiac resynchronization therapy pacemaker para tulungang tumibok nang tama at ma-monitor ang kaniyang puso, ayon sa ulat ng GMA Network.
Napanood at nakilala si Paras sa ilang mga Kapuso shows kagaya ng Sunday PinaSaya, Mulawin vs Ravena, The Last Prince, Princess in the Palace, atbp.
MAKI-BALITA: Actor-comedian Joey Paras, pumanaw na