Kakasuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na nakialam sa nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ito ang tiniyak ni Chairman George Erwin Garcia nitong Linggo at sinabing magpapatawag siya ng pulong sa Lunes, Nobyembre 6, upang maisapinal ang listahan ng mga naturang opisyal.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Ani Garcia, kailangan nilang seryosohin ang bagay na ito upang hindi na maulit pa sa mga susunod na eleksyon.

Nauna rito, nakatanggap ang ahensya ng mga reklamo na may mga local government official ang nakialam sa halalang idinaos nitong Oktubre 30 lamang.

Imbestigahan at beberipikahin nila ang mga naturang sumbong at kaagad na dadalhin sa atensyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa kaukulang pagsasampa ng kaso.

Tiniyak din ni Garcia na hindi nila kakasuhan ang mga gurong nagsilbi sa halalan at sa halip ay babalikan nila ang mga taong nanakot at nang-impluwensiya sa kanila upang huwag magsilbi sa eleksyon.