Kinapanayam ni dating Manila City Mayor Isko Moreno ang actress-host na si Gladys Reyes sa kaniyang latest ">vlog noong Biyernes, Nobyembre 3.

Isa sa mga itinanong ni Isko kay Gladys ay kung ano raw ang sikreto sa matibay na relasyon nila ng asawa nitong si Christopher Roxas.

“Para sa akin nga hindi naman sikreto ‘yun pero sabi ko nga tatlong ‘P’ ‘yan, e…Para sa akin ano ‘yan, ‘PPP’. Prayers, patience, partnership. Parang negosyo din,” saad ni Gladys.

Malaking factor umano ang pananampalataya nilang mag-asawa sa matibay nilang relasyon lalo pa’t miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) si Christopher.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Tapos siyempre tons of patience. Hindi talaga laging bed of roses ‘yan. Totoo naman ‘yan. Mas marami nga ‘yung pagtatalo n’yo di ba,” sabi pa niya.

Ang ikatlong “P” naman, partnership. Naroon daw ang mga itinanim na pagmamahal, tiwala, at respeto sa isa’t isa na kalaunan ay aanihin ng dalawang magkarelasyon.

“Kailangan magi-invest ka, di ba. Hindi lang oras, panahon. Given na rin ‘yung pagmamahal,” paliwanag ng aktres.

“Understanding,” sundot ni Isko.

“Understanding oo naman. Noon madaling sabihin na hindi, huwag mong salubungin ‘yung galit. Lalo na ‘pag mas bata kayo, di ba. Pag galit siya, galit din ako, di ba. O pag galit ako, galit din siya,” ani Gladys.

Pero mahalaga umanong tandaan na kung hindi naman ikapaghihiwalay ng dalawang magkarelasyon ang pinag-aawayan, dedmahin na lang dahil sayang lang umano sa oras.

Sa kasalukuyan, 30 taon nang nagsasama sina Gladys at Christopher. Nakarelasyon niya ito nang 13 taon bago naging asawa sa loob ng 19 na taon.