Muling naglabas ng trailer ang hit action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" kaugnay ng mga magaganap sa darating na linggo, simula Nobyembre 6.

Video courtesy: Dreamscape Entertainment/FB

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa susunod na linggo kasi, pilot episode na ng bagong makakatapat nilang "Black Rider" na pagbibidahan ni Kapuso actor Ruru Madrid, Matteo Guidicelli, at ang dating katambal ni Coco sa "FPJ's Ang Probinsyano" na si Yassi Pressman.

Sabi nga ni Ruru sa media conference, nagkausap sila ni Coco bago ang airing nila, at nasabi raw nito sa kaniya na pinaghahandaan na nila ang pag-ere ng bagong makakatapat.

Hindi ito ang unang beses na nagkatapat ang dalawa. Matatandaang tinapatan ng "Lolong" ni Ruru ang Probinsyano bago pa man ito tuluyang nagwakas sa pag-ere, na tumagal ng pitong taon.

Anyway, kaabang-abang ang mga kaganapan sa serye ni Coco batay sa ipinalabas na trailer. Umaatikabong aksyunan ang mapapanood dito lalo na ang stunts na kanilang inihanda, siyempre at ayaw naman nilang pakabog sa kanilang makakalaban, na surely ay pinaghandaan din ang pilot episode.

At speaking of bakbakan, nakakaloka rin ang bed scene sa trailer nina Tanggol (Coco) at Bubbles (Ivana Alawi) na isa rin sa mga tiyak na aabangan. In fairness daw ay may chemistry ang dalawa.

MAKI-BALITA: Ruru Madrid nakausap ang makakasalpukang si Coco Martin

MAKI-BALITA: Coco hinigop si Ivana