Pinagsabihan ni social media personality Rendon Labador ang nagpakilalang ex-lover umano ni Master Rapper Francis Magalona o “Francis M” na si Abegail Rait nitong Biyernes, Nobyembre 3.

MAKI-BALITA:  Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?

Matatandaan kasing naglabas ng 15-minute video sa nasabi ring araw si Abegail kung saan nakiusap siya sa mga basher na huwag umanong idamay ang anak nila ni Kiko na si Gaile Francesca Rait sa mga pambabatikos.

MAKI-BALITA: Abegail Rait, nakiusap sa mga basher: ‘Wag naman po ‘yung anak ko’

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Igiit din niyang single umano ang marital status ni Francis hanggang sa pumanaw ito, kaya wala silang nilabag na batas sa relasyon nila noon.

MAKI-BALITA: Francis M, single ang marital status hanggang mamatay sey ng ‘ex-jowa’

Nagkomento naman si Rendon sa artikulong inilabas ng isang online news platform tungkol sa pasabog ni Abegail na single umano si Kiko hanggang mamatay.

Sey ni Rendon: “Ang hirap talaga sa Pilipinas, biro mo patay ka na may issue ka pa? Tama na ‘yan madam, wala ka na bang makain?

“Respeto na lang tayo, halatang patay na patay ka kay idol Francis M,” dagdag pa niya.

Photo courtesy: Rendon Labador (FB)

Sa kasalukuyan, wala pang anomang tugon, pahayag, o reaksiyon si Abegail hinggil dito.