Hindi magkamayaw ang fans ng Megastar Sharon Cuneta na naghintay sa paglabas ng sasakyan niya mula sa parking lot after ng successful concert nila ni Gabby Concepcion na “Dear Heart” na ginanap sa SM Mall of Asia Arena noong Oktubre 27, 2023.

Sa ibinahaging video sa TikTok ng fan account na @sharoncuneta_ ipinakita kung gaano kamahal ni Sharon ang kaniyang mga tagasuporta.

Ang siste nakaabang sila sa paglabas ng sasakyan ni Sharon na hinintay nila hanggang alas 3:00 ng madaling-araw. Ang nakakatuwa ay ang ipinakitang gestures ni Sharon sa fans dahil may lumagpas na van sa pag-aakalang nilagpasan sila ng car ni Sharon na hindi pala dahil sumigaw talaga ito ng “Nandito ako!”

Laking-tuwa ng fans at nagsigawan dahil hinarap sila at huminto ang mismong sasakyan ng magaling na actress-singer.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Sobrang nagpasalamat siya sa mga taong naroon na nagpuyat para siya ay makita ng harap-harapan pagkatapos ng kanilang concert ni Gabby. Talaga naman kasing dream come true ang pagsasama nila ng dating mister sa concert. Isa kasi itong pagbabalik-alaala ng kanilang nakaraang pag-iibigan.

Nakipagkuwentuhan si Sharon habang nasa loob ng sasakyan na malayang binuksan ang bintana ng ilang minuto sa fans at kinumusta kung anong part sa concert nila ni Gabby ang nagustuhan nila. Marayang nakipag-selfie si Sharon sa mga masugid niyang tagahanga dahil lahat ay kaniyang pinagbigyan at nakipag-beso beso na rin.

At hindi lang iyon dahil talagang yakap pa ni Sharon ang fans niya at siya mismo ang kumikiss sa mga ito bago makipag-selfie. Hiniling pa niya sa kanila na i-send sa kaniya ang pictures dahil tinatago niya raw ang mga ito. Pinuri naman ng fans ang boses nito na ani Sharon ay bumalik daw kaka-vocalize.

Kaya naman ang mga netizens sa nakapanood ng video, hinangaan lalo si Sharon sa mga komentong sinabi nila.

“hahahahaa wow i love her so much kasi nagbbgay sya ng halaga sa fans.”

“True. Pwede naman siyang hinde huminto pero huminto pa rin. Pinahahalagahan niya talaga mga fans niya.”

“Totoo po yan, naging guest naming sa hotel si mam Sharon napaka humble… sobrang bait… hindi nakakapagtaka bakit hanggang ngayon sikat pa din.”

“Lagi kasi nyang sinasabi na wala sya kung wala ang fans at nakikita nya ung hirap ng fans magantay makita lang siya. Kaya kudos sa aking idolo.”

“Grabe, kung makahalik sa fans na akala mo eh kapamilya, as in ramdam mo yung kabutihan niya. Mabait talaga siya.”

“Super genuine kaya pala Megastar talaga.”

“Not a fan of Sharon, pero this video says a lot about her. I’m now a fan. Apakabait niya.”

“Kaya madami syang fans hanggang ngayon, yan ang dapat tularan ng mga artista ngayon, walang kupas.”

“Yes ganyan tlga sya si mami Shawie super accommodating sa lahat ng gusto mameet sya.”

“Pag ganito kabait at ka-sweet ang hihintayin mong artista, kahit maghapon magdamag maghihintay ako.”

“Bait naman sya pa ng offer magpa-picture.”

“She’s really soft hearted that is why people love her so much.”

MAKI-BALITA: ‘Family reunion?’ Sharon, KC, Gabby nagsama sa iisang stage