Kamakailan lamang ay inurirat ng mga netizen ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kung bakit wala na ang isa't isa sa latest photos na ina-upload nila sa kani-kanilang social media accounts, at ang kasa-kasama na lamang nila nang magkahiwalay ay ang dalawang anak na lalaki na sina Zion at Kai.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

View this post on Instagram

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)

Lalo pa itong nagatungan nang mag-flex si Sarah ng isang cryptic post sa kaniyang Instagram story, kung saan mababasa ang "How to Love the Unlovable" na isang reflective article mula sa isang daily devotion book.

Mapapansing naka-highlight dito ang bible verse na nagsisilbing panimula bago basahin ang artikulo.

May naka-highlight ding talata na mahihinuhang nag-strike the most kay Sarah nang basahin niya ito.

Photo courtesy: Sarah Lahbati (IG)

May kumakalat pang mga tsika na ang dahilan daw ng paghihiwalay ng dalawa ay ang mother in-law at manager ni Richard na si Annabelle Rama.

Sa comment section ng posts nina Richard at Sarah, ganito naman ang mababasa mula sa ilang netizens:

"Every couple has this downtime in their relationship. This too shall pass."

"i hope everything is okay sa inyo ni richard!!!"

"Mga lods bakit wala na kayong picture together o kasama ang mga kids?"

"Praying for you and your family. We love you Sarah. Just remember, you are loved."

"Wag nalang kayo madami tanong guys.. let them.. baka gusto lang nila maging lowkey hndi naman deleted lahat photos nila together.."

"This is sad. Parehong mata nyo at the way you guys smile is so different na. Lalo na ung mga picture ni Sarah,. Malungkot ung mata nya kahit nakangiti sya."

"Pray for the married couple guys. Marriage is sacred. Instead of being Marites, wish them well and hope they get thorough it."

Matatandaang sa pagtatapos ng seryeng "The Iron Heart" ay nagkaroon pa ng cameo appearance si Sarah sa bandang dulo.

Ikinasal ang mag-asawa sa pamamagitan ng civil wedding noong Marso 2020 bago ang pagsisimula ng lockdowns dahil sa pandemya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mag-asawa hinggil sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.