Nadagdagan pa ng 120 ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Dahil dito, pumalo na sa 4,120,411 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa.

Nasa 4,050,883 na ang kabuuang bilang ng nakarekober sa Covid-19.

Nananatili naman sa 66,736 ang bilang ng mga nasawi sa sakit dahil hindi pa ito nadadagdagan simula Oktubre 27.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Idinagdag pa ng DOH, umabot na sa 664 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Metro Manila, 290 naman sa Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal at Quezon), 170 sa Gitnang Luzon, 111 sa Davao Region at 98 sa Central Visayas.