Usap-usapan ang Facebook posts ng social media personality na si "Madam Kilay" o Jinky Cubillen Anderson sa tunay na buhay, matapos niyang akusahang kinukupitan ng kaniyang ateng si Joy Cubillen ang kaniyang savings account na may lamang milyong piso.

Photo courtesy: Screenshot from Anderson Jinky (FB)

Ayon sa Facebook post ni Madam Kilay, sinasabing nasa ₱2.5 milyon na raw ang na-withdraw ng kaniyang ate mula sa kaniyang bank account, na pinagsisisihan daw niyang ipinangalan at ipinagkatiwala niya rito.

“Baka gusto mo ilabas ang pera ko Joy Cubillen, kasi may mga pinapasahod akong tao! Gusto mo pa ata luluhod ako sayo! Di ka madala sa maayos na usap naka block pa ko pwes ipapabasa naten to sa mga chismosa para makarating sayo!” mababasa sa FB post ni Madam Kilay.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Photo courtesy: Screenshot from Anderson Jinky (FB)

“KAPATID KONG MUKHANG PERA JOY CUBILLEN INSTANT MILLIONARIO KA!! LORD PLEASE TULUNGAN MO PO AKO!!”

Photo courtesy: Screenshot from Anderson Jinky (FB)

Bukod dito, kinuhanan din umano ng halagang ₱40k ang savings account naman ng kaniyang anak na si Gimo.

Photo courtesy: Screenshot from Anderson Jinky (FB)

Ngunit sa isang Facebook story ay pinabulaanan ito ni Joy.

"Ul*l wala sa akin ATM ng anak mo pwede ba tigilan mo ko sa mga kasinungalingan mo,” aniya.

Ibinahagi naman ni Madam Kilay ang screenshot nito at saka kinomentuhan.

"WALANG MAG NANAKAW NA UMAAMIN TANDAAN MO YAN! MERUN AKONG MGA EBIDENSYA!! ITANONG MO KAY KUYA MAGKASABWAT KAYO DIBA? Gusto mo ba kumin ko pa cctv ng ATM kung san location winidraw ang 40K sa account ng anak ko!"

"Kung matapang ka talaga kakausapin moko at ipapakita mo ang laman ng personal account mo. Pano ka mag kakaron ng Million sa personal checking bank mo eh parehas kayo mag asawa walang trabaho! Aber!🙄"

"ALSO MAY GANA ka pang manlalaki sakin din galing yang pinansusustento mo sa kabet mo! BAKA MALAMAN NG ASAWA NUN ANU KAYA MANGYYARI DAMI PA NAMAN AKO RESIBO!"

"MAGKASAMA KAYO NI KUYA DALA NYO ANG ATM NG ANAK KO MGA MAGNA!!!"

Photo courtesy: Screenshot from Anderson Jinky (FB)

May be an image of 1 person and text that says 'Joy Gubillen 30m Aa Tert story Ulol WI S akin atm ng ank mo pwde b tigilan mo ko S mg ksinungaling mo'

Photo courtesy: Screenshot from Anderson Jinky (FB)

May sey rin ang social media personality sa mga nagsasabing baka content lamang ito upang mapagkakitaan.

"BOTLOG Kahit kelan hindi ko kayang mag scripted about sa pamilya! Wag moko itulad sa mga sinusuportahan nyong ibang vloger na MAGBARDAGULAN KUNWARI AT IPAHIYA ANG MGA SARILI PARA LANG AG USAPAN MGA HANGOL SA Views!!!

Bakit naman ako ggwa ng scripted kung alam kong buong pamilya ko involed isyu!"

"INANG TO!! PALAMUNIN NG MAGULANG!! Mag trabaho ka at try mo tumulong sa pamilya para alam mo ang pakiramdam!! BOTLOG Ka MINU MINUTO!"

Sa isa pang Facebook post, as is, "may nag sabi for content dlang dw? KATULAD NG IBANG VLOGER?! Sila yun! KELAN AKO GUMAWA NG ISSUE SA PAMILYA! 2017 p ko dto sa industruya ng social media! Never ako bg post ng problema sa pamilya!! Ngaun lng dahil napagod na!! Hunghang!! GAG*"

"FYI HINDI NAKA MONETIZE ANG LIVE KO! Baka ung mga ibang page na gumamit ng Issue ko sila ang kumita hindi ako UNGASS!!! BOTLOG ka minuminuto!!."

"bakit hindi ko daw kasuhan kesa mag post! KALMA KA LANG! Iba ako gumalaw! 🤭"

Photo courtesy: Screenshot from Anderson Jinky (FB)

Samantala, wala pa ulit tugon, reaksiyon, o pahayag si Joy hinggil sa mga paratang sa kaniya ng bunsong kapatid. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.