Ibinahagi ni Kapuso actress Kylie Padilla ang kaniyang natutuhan sa naging relasyon niya sa dating asawang si Aljur Abrenica nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Nobyembre 3.

Tinanong kasi ni Boy kung ano raw ang gustong isumbong o itanong ni Kylie tungkol sa romantic relationship.

“Bakit nagbabago? Why does the love change?” tanong ni Kylie.

Tila nahirapan namang sagutin ito ni Boy dahil iba-iba umano ang pag-ibig. May pag-ibig na habang tumatagal, lalo umanong tumatatag. 

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

“Mayroon namang love na hindi masyadong matibay. May konting problema, bumabagsak, nagko-collapse,” dagdag pa ni Boy.

Hanggang sa mapunta ang kanilang usapan tungkol sa relasyon ni Kylie kay Aljur noon. 

Matatandaang noong 2021, kinumpirma ng ama ni Kylie na si Senator Robin Padilla ang hiwalayan ng dalawa.

MAKI-BALITA: Aljur Abrenica at Kylie Padilla, kumpirmadong hiwalay na

“Ano ang pinakaimportanteng leksiyon ang natutuhan mo sa naging relasyon mo kay Aljur?” diretsong tanong ni Boy.

“Medyo cliche, e. But I wish nagtira ako para sa sarili ko. Kasi I give my all talaga,” sagot ni Kylie.

Dagdag pa ng aktres: “Kaya tinanong ko sa ‘yo ‘yun, Tito Boy, kung bakit nagbabago. For a time sa relationship namin, there was a point in my life na…dadaanan n’yo talaga as people in relationships who go through, you know, struggles. Mayroon talaga. Kasama talaga ‘yun.”

“But because I made the promise of marriage…sabi ko sa sarili ko, if I’m unhappy now and magiging ganito na ‘yung set up namin, ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko. Inubos ko. And nauwi rin sa hiwalayan,” sabi pa ni Kylie.

Galing daw kasi siya sa broken family at ayaw niyang maranasan iyon ng kaniyang mga anak. Kaya naiinis siya kapag may ilang nagsasabi na tila normal lang umano sa isang artista na magpalit ng asawa o partner pagdating sa relasyon.

Pero matapos ang kanilang hiwalayan, naglabas naman si Kylie ng pahayag hinggil sa kanilang co-parenting set up ni Aljur. 

MAKI-BALITA: Kylie sa paghihiwalay nila ni Aljur: ‘We are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake