Umugong lalo ang usap-usapan tungkol sa hiwalayan ng mag-jowang sina Xian Lim at Kim Chiu matapos gisahin ng tanong ni “Unkabogable Star” Vice Ganda ang co-host nito sa isang episode ng “It’s Showtime” noong Huwebes, Nobyembre 2.

Tinanong kasi ni Vice ang isang contestant ng “Tawag ng Tanghalan” kung sino umano ang iniisip nito habang kinakanta ang “Kulang Ako Kung Wala Ka”.

Tila nahihiya pang umamin noong una ang contestant pero nasukol din naman ito ng mga host ng show.

Hiningan pa nila ng mensahe ang contestant para sa minamahal nito bagama’t hindi na nagbanggit pa ng pangalan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kasunod namang inurirat ni Vice si Kim. Tinanong niya ang kaniyang co-host tungkol sa personal nitong buhay: “Ikaw, sino bang nagpapangiti sa ‘yo lately?”

“Hi,” sabi ni Kim sabay tawa nang walang tinutukoy na pangalan.

“Napaka-OA nito,” dagdag pa niya.

Muling inulit ni Vice sa pangalawang pagkakataon ang kaniyang tanong: “Sinong nagpapangiti sa ‘yo lately?”

“Siyempre mga pamilya ko, kamag-anak ko,” tugon ni Kim.

Pero tila hindi pa rin nakuntento si Vice. Sumundot pa ulit ito ng isa pang tanong.

“Ano ang puwede mong sabihan na kulang ka ‘pag wala siya?”

Tila nablangko nang ilang sandali si Kim sa tanong na ito ni Vice kaya kinantiyawan siya ng komedyante.

Kaya ang ginawa ni Kim, sumegway na lang siya para i-promote ang “Linlang” na mapapanood sa Prime Video, isang online streaming platform at pinuri ang co-star na si Kaila Estrada.

Pero ibinalik ulit ni Vice ang tanong matapos i-promote ni Kim ang TV series nito.

“Kulang ka ‘pag wala ito?”

“Kulang ‘pag walang usap,” sagot ni Kim.

“Because in everything that we do, communication is the key,” dagdag pa niya.

Usisa pa ni Vice? “Kulang ka ‘pag di mo siya nakakausap?”

“Yes,” tugon ni Kim.

“Wow, sino ba ito?” pang-iintriga ng komedyante.

Bagama’t natagalan pa bago nakasagot si Kim, sinabi rin naman niya kung sino-sino ang mga kumukompleto sa kaniya: “Kapatid ko, ate ko, papa ko, si Xi.

May napansin naman ang ilang netizen sa hitsura ni Kim habang sinasagot ang tanong sa kaniya ni Vice. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Even though she's smiling and laughing, it's so evident in her eyes that she's hiding something, maybe sadness or something. It seems like she will cry anytime, or she has already cried. I hope you are okay, Kim. I am rooting for you in your nakakahighblood na Linlang series. Love you 😘”

“Why did she look like she was about to cry? Especially when she was asked and she said communication. I don’t want to believe anything usually but I do feel like they’re going through something and I hope they make it 😭💔”

“Ang lalim ni kim kahit anong lakas ng tawa niya pero may pinag dadaanan sila ni xi🥲assumera🤣”

“Haha tearry eyed si kim. Pansin niyo?😢”

“Nakikita sa mata na malungkot c kim. Parang iiyak na o umiyak na.”

Pinabulaanan naman ni Kim sa isang thanksgiving press conference ng “Linlang” ang kumakalat na balitang hiwalay na umano sila ni Xian.