Sa kabila ng kaliwa't kanang kritisismo sa acting skills ni Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity big winner na si Anji Salvacion sa seryeng "Linlang," may mensahe para sa kaniya ang award-winning actor na si Christian Bables.

MAKI-BALITA: Anji at Kice, naokray na naman aktingan sa ‘Linlang’

Isa nga sa mga sumita sa aktingan ni Anji, pati na rin ng baguhang katambal dito na si "Kice" na mula naman sa "Idol Philippines Season 2," ay si showbiz columnist-talent manager Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz ano raw ‘K’ magpa-acting workshop; sumagot sa hanash

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

MAKI-BALITA: Anji, Kice, willing i-workshop ni Ogie nang libre

Ayon sa X post ni Christian, "Dear Anji Salvacion,"

"I am excited for you to unleash the brilliant actress in you ❤️ For as long as you admit there’s a huge room for improvement, ok na yun. The rest ingay lang. Please never give up on learning your craft. Meron yan, Anji. I believe in you."

https://twitter.com/chrisbables06/status/1720104101240091014

Nabagbag naman ang damdamin ng mga netizen para kay Christian na unang nakilala, napansin, at nagkaroon ng acting award sa pelikulang "Die Beautiful" kasama si Paolo Ballesteros.

Samantala, nagpahayag din ng pagnanais si Christian na makatrabaho naman si Kaila Estrada na puring-puri naman sa kaniyang acting skills bilang "Sylvia" sa nabanggit na serye.

MAKI-BALITA: Christian Bables, bet makatrabaho si Kaila Estrada

"KAILA ESTRADA. Soon to be an award winning actress. Mark my word. #LinlangOnPrimeEp9n10," aniya.

https://twitter.com/chrisbables06/status/1719948603660378392