Itinanggi ng social media personality na si Rendon Labador na kapatid niya umano ang basketball player na si Ricci Rivero sa kaniyang Facebook story nitong Huwebes, Nobyembre 2.

Nagpost kasi ang isang netizen ng status sa Facebook na nagsasabing magkapatid umano sina Rendon at Ricci.

“MAGKAPATID PO TALAGA SI Ricci Rivero AT si Rendon Labador ! PAREHONG CHISMOSA HAHA,” sabi ng netizen.

Pinabulaanan naman ito ni Rendon at sinabing hindi umano magandang biro ang sinabi nito tungkol sa kanilang dalawa ng basketball player.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Hindi okay yang ganyang biro, nag lalaba ako ng mga damit ko!!! #LabLabLabador❤️” ani Rendon.

Dagdag niya pa: “Hindi ako nakikipag biruan sa mga labada 😑”

Matatandaang may ini-spill na tsika ang aktres na si Andrea Brillantes noong Hulyo tungkol sa ex nito na hindi umano nagpa-laundry nang isang taon. 

Bagama’t walang pangalang binanggit ang aktres, sa hula ng mga netizen ay si Ricci ang tinutukoy nito.

MAKI-BALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens