Binanatan na naman ni social media personality Rendon Labador si “Unkabogable Star” Vice Ganda sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Nobyembre 2.

Matatandaang nauna na niyang sitahin ang komedyante matapos nitong kumain ng cake nang di kaaya-aya umano sa mata ng marami kasama ang jowa nitong si Ion Perez sa segment na “Isip Bata” ng “It’s Showtime”.

MAKI-BALITA: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: ‘Huwag sa show ng mga bata!’

Pero sa pagkakataong ito, tila napahiya si Rendon dahil ang video clip na pinuna niya kung saan nag-dirty finger umano si Vice on-air ay last year pa pala nangyari. 

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

 

Sa katunayan, naihingi na ni Vice ng paumanhin ang tungkol dito. 

MAKI-BALITA: Vice Ganda, nag-sorry sa pag-dirty finger niya sa ‘It’s Showtime’: “Bad, bad, bad… pero paumanhin po”

Kaya naman, binura niya agad ang naturang post matapos niyang mahimasmasan. Nagbigay pa siya ng pahayag sa kaniyang Facebook story kaugnay sa nangyari.

“Deleted ang Vice dirty finger post…So alam ninyo na? Nagbago na ako pero huwag pa rin kayong magkakamali dahil itatama ko pa rin kayo. Huwag kayong pakampante,” saad ni Rendon.

Dagdag pa niya: “Last year pa daw ang video. Pero kahit ilang taon pa ang nakalipas, mali pa rin ‘yun. Hindi tumatama ang mga mali dahil lang sa tagal ng panahon. Ni-remove ko na lang kasi bigla ko naalala na nagbago na nga pala ako. Lablab.”

Matatandaang kamakailan lang ay inamin ni Rendon na sa lahat umano ng mga celebrity na binanatan niya ay si Vice ang pinakamalakas dahil na-mass report daw ang kaniyang Facebook account.

MAKI-BALITA: Sa lahat ng mga tinira ni Rendon: Vice Ganda, pinakasakalam