Magpapasaklolo na sa Philippine National Police (PNP) ang Land Transportation Office (LTO) upang mapaigting pa ang kampanya nito laban sa colorum na pampublikong sasakyan sa bansa.

Paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza II, magiging malaking tulong ang Highway Patrol Group (HPG) at iba pang territorial units ng PNP sa kanilang anti-colorum drive.

Aniya, nagrereklamo ang mga transport group na nawawala ang 30 porsyento ng kanilang kita dahil na rin sa operasyon ng mga colorum na public utility vehicles (PUVs).

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

“Matagal na itong reklamong ito ng ating mga kapatid sa transport sector kaya tayo ay hihingi ng tulong sa ating PNP upang madagdagan ang ating puwersa para matigil na ang ilegal na operasyon ng mga taong nasa likod nito,” ayon pa sa nasabing opisyal.

Tuloy-tuloy aniya ang kanilang operasyon upang matulungan ang mga transport group na makabawi sa kanilang pagkalugi dahil sa PUV colorum operations.