Pinuri rin ni showbiz columnist Ogie Diaz si “Linglang” star Kaila Estrada nitong Huwebes, Nobyembre 2. 

“Moment ni Kaila Estrada ang latest episodes ng #Linlang. Ang husay ng anak nina Janice at John Estrada!  Parang nag-aapoy ang mata sa galit. Ramdam mo. 👏👏👏👏” saad ni Ogie sa kaniyang sa X post.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1719792174085312850

Sumang-ayon naman ang mga netizen sa sinabi ni Ogie. Pero may ilan na tila hindi pa rin tinatantanan ang pang-ookray sa isa pang cast ng “Linlang” na si Anji Salvacion. 

National

CIDG chief Torre, pinuri ng mga kongresista sa pagtindig kontra 'fake news'

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Sana anji can relate”

“May sampalan scene din daw po si kate(Anje) with sylvia Kaso not worth it to watch dw, Wla bearing s Story. Kinat nlng Ni direk . Char”

“@anjisalvacion step up”

“pero panira tlga ung umeksena sa pagawat nila.. 🤣”

“Yung isa.. Naduduling ang mga mata sa galit 😂”

“abang na abang na rin kami sa moment ni Anji, anong episode kaya? Meron ba? 😂”

“Naduling po ba?”

Matatandaang makailang ulit na pinuna ni Ogie si Anji kasama ang katambal nitong si Icidor Kobe o mas kilalang “Kice”.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nilinaw ang puna kina Anji at Kice sa ‘Linlang’

MAKI-BALITA: Anji Salvacion parang naka-botox ang fez, di makita facial lines—Ogie Diaz

Dahil sa hindi maayos na pag-arte, di tuloy nakaligtas ang dalawa mula sa pang-ookray ng mga netizen.

MAKI-BALITA: Anji at Kice, naokray na naman aktingan sa ‘Linlang’

Kaya para mapahusay pa ang kanilang kakayahan, inalok ni Ogie ng libreng acting workshop ang dalawang “Linlang” stars.

MAKI-BALITA: Anji, Kice, willing i-workshop ni Ogie nang libre

Samantala, bukod kay Ogie, nahusayan din ang Kapamilya actor na si Christian Bables sa pag-arte ni Kaila. Sa katunayan, gusto pa nga umano nitong makatrabaho ang aktres.

MAKI-BALITA: Christian Bables, bet makatrabaho si Kaila Estrada