Kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Iloilo City bilang “Creative City of Gastronomy," ang unang lungsod sa Pilipinas na nakatanggap ng naturang karangalan.

Sa pagdiriwang ng World Cities Day noong Martes, Oktubre 31, 55 mga lungsod, kabilang na ang Iloilo City, ang bagong napasama sa UNESCO Creative Cities Network (UCCN), na ngayon ay mayroon nang 350 member-cities mula sa mahigit isang daang mga bansa.

Ayon sa UNESCO, pito ang creative fields ang kanilang Network: Crafts and Folk Art, Design, Film, Gastronomy, Literature, Media Arts, at Music.

“New cities were acknowledged for their strong commitment to harnessing culture and creativity as part of their development strategies, and displaying innovative practices in human-centred urban planning,” pahayag ng UNESCO.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Makikipagtulungan umano ang mga bagong itinalagang lungsod sa mga miyembro ng Network upang palakasin ang kanilang katatagan sa harap ng mga umuusbong na banta tulad ng climate change, pagtaas ng “inequality,” pati na rin ang mabilis na urbanisasyon.

“The cities in our Creative Cities Network are leading the way when it comes to enhancing access to culture and galvanizing the power of creativity for urban resilience and development,” ani Audrey Azoulay, UNESCO Director-General.

Naglabas naman ng pahayag si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa karangalang nakamit ng lungsod.

"I share this award with the Ilonggos, like me, who love to cook our Ilonggo food. Now, we can be proud to say Ilonggo cuisine is taking the stage in the international gastronomy scene," saad ni Treñas.

Bukod naman sa Iloilo City, matatandaang kinilala rin ng UNESCO ang Baguio noong 2017 para sa larangan ng “Crafts and Folk Art” at ang Cebu noong 2019 para sa larangan ng “Design.”