Makahulugan ang pahayag ni Kapamilya star Andrea Brillantes nang mauntag ng ABS-CBN News tungkol sa nakapulupot na dilaw na sawa bilang bahagi ng kaniyang Halloween costume sa naganap na "Opulence Ball 2023" noong Oktubre 31.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Si "Lilith, the first wife of Adam" ang napiling peg ni Blythe, mula sa Judaic mythology. Mythology-themed kasi ang nabanggit na ball.

Natanong kasi ng interviewer kung hindi ba siya kinakabahan sa malaking sawa.

"Hindi ka ba kinakabahan diyan sa bitbit mo?" tanong nito.

Sagot ng aktres, "No naman. Kasi kapag mas kinabahan ako, mararamdaman niya 'yon. And gusto ko talaga mag-alaga ng snake."

"Saka ba't ba ako matatakot? May mga kilala na kong ganito. Char!" pabirong hirit pa niya.

Matatandaang isang netizen ang tila nagpasaring kay Andrea sa kaniyang Instagram post kung bakit nasa leeg daw niya si "Leren."