Nakatakdang iuwi sa Pilipinas ang bangkay ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Darating sa bansa ang bangkay ng Pinay nurse na si Angelyne Aguirre sa Nobyembre 3.

Nasawi si Aguirre matapos pagbabarilin ng mga miyembro ng Hamas habang nagtatago sa bomb shelter, kasama ang kanyang pasyente.

“Bibigyan natin na naman siya ng hero's welcome. Inaayos na rin natin ng lugar kung saan siya ibuburol and all the assistance na puwedeng ibigay ay ibibigay natin,” pagdidiin naman ni OWWA Administrator Arnell Ignacio sa panayam sa telebisyon.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Inaasahan namang iuwi sa Pilipinas ang bangkay ni Grace Prodigo Cabrera sa Nobyembre 5.

Kabilang sina Aguirre at Cabrera sa apat na nasawi sa Israel. Ang dalawa pa ay sina Loreta Alacre, 49, at Paul Vincent Castelvi, isang caregiver.

Dumating sa bansa ang bangkay ni Alacre nitong Oktubre 21, habang ang bangkay ni Castelvi ay na-cremate sa Tel A