Sa panayam ng broadcast journalist na si Anthony Taberna o "Ka Tunying" sa kontrobersiyal na social media personality na si Rendon Labador, inamin nitong si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda ang "pinakamalakas."

Matatandaang isa si Rendon sa mga nangalampag sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa kasagsagan ng "icing incident" nina Vice Ganda at partner niyang si Ion Perez sa "Isip Bata" segment ng "It's Showtime," na naging dahilan upang mapatawan sila ng 12-airing day suspension.

MAKI-BALITA: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: ‘Huwag sa show ng mga bata!’

Ipinakita kasi ni Ka Tunying ang mga larawan ng mga celebrity na sinita at binira ni Rendon sa social media. Ayon kay Rendon, pinakamalakas ang TV host-comedian dahil kinuyog siya ng fans nito na humantong pa sa pagkaka-mass report ng kaniyang social media platforms gaya ng Facebook.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Ok na kami niyan, nag-apologize na 'ko," sey ni Rendon.

Pero pag-amin niya kay Ka Tunying at sa kaniya lang daw sinabi, si Vice Ganda nga raw ang pinakamalakas sa lahat ng mga sinita niya.

"Kasi na-mass report ako eh, dati naman hindi eh. Pero wala naman akong personal na galit. Siyempre gusto ko rin mag-apologize sa kaniya. Walang personalan brader ah."

MAKI-BALITA: ‘RIP daw!’ ‘Pagkamatay’ ng FB page ni Rendon Labador pinagtripan sa X

MAKI-BALITA: Vice Ganda may ‘parinig’: ‘Nakapag-mass report na ba lahat?’

Video courtesy: Anthony Taberna /TikTok

Bukod kay Vice Ganda, ilan pa sa mga personalidad na binirada noon ni Rendon ay sina Marc Pingris, Deanna Wong, Paolo Contis, Andrea Brillantes, Lea Salonga, Michael V, at Coco Martin.

MAKI-BALITA: Rendon Labador nag-sorry kina Michael V, Vice Ganda, atbp

MAKI-BALITA: Rendon Labador nag-sorry na kina Coco Martin, Michael V