MMDA sa mga bibisita sa sementeryo: 'Iwasang gumamit ng mga single-use plastic'

MMDA sa mga bibisita sa sementeryo: 'Iwasang gumamit ng mga single-use plastic'
Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bibisita sa sementeryo ngayong Undas na iwasang gumamit ng mga single-use plastic upang maiwasan ang polusyon.
Sa social media post ng MMDA, binanggit nito ang mga single-use plastic katulad ng kutsara, tinidor, sando bags at bote.
Pagdidiin ng ahensya, malaki ang maitutulong ng nasabing gawain upang maisalba ang bansa sa plastic pollution.
"Simpleng paraan para bawasan ang basurang likha. Maliit lamang na bagay pero malaking impact sa kalikasan," ayon sa pahayag ng MMDA.
Idinagdag pa ng MMDA, bahagi lamang ito ng isinusulong nilang tamang waste management para sa Metro Manila Flood Management Project Phase 1 ng ahensya.