Nasa ligtas na kalagayan ang anim na Pinoy na bumalik sa Gaza City, gayundin ang tatlong iba pa na nagpasyang manatili sa lugar sa kabila ng patuloy na giyera sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose De Vega sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkules.

Ang anim na Pinoy aniya ay nakarating na malapit sa Rafah border. Gayunman, bumalik ang mga ito sa kanilang bahay sa Gaza dahil na rin sa mahabang oras ng paghihintay.

“Masikip ‘yung lugar nila doon kaya bumalik sila sa kanilang tirahan sa Gaza City," ani De Vega.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

“Ang mabuting balita, silang anim at ‘yong tatlo pa na nanatili doon kasama ‘yong madre ay safe naman, uninjured sila,” aniya.

Aniya, patuloy na binabantayan ng Philippine Embassy sa Jordan ang sitwasyon ng mga naturang overseas Filipino worker (OFW) dahil lalo pang pinaigting ng Israel ang kanilang paglusob laban sa Hamas.

"We hope they will be okay. Itong anim kusang loob silang nagdesisyon na bumalik," paliwanag pa ni De Vega.

 

PNA