May inamin si Diamond Star Maricel Soriano tungkol sa kaniyang pananampal sa mga serye at pelikula nang kanapayamin siya ng showbiz columnist na si Ogie Diaz nitong Martes, Oktubre 31.

Napag-usapan kasi sa panayam ang walang pasubaling pananampal ni Maricel sa “Linlang” co-star niyang si Kim Chiu. 

Matatandaang ikinuwento pa ni Kim Chiu ang karanasan niya sa pananampal ni Maricel sa media conference ng kanilang teleserye.

MAKI-BALITA: Kim nayanig sa sampal ni Maricel: ‘Tinuhog mo dalawang anak ko!’

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pumayag naman umano si Kim na gawin ito ni Maricel sa kaniya. Tila naging karangalan na kasi sa showbiz industry ang masampal ng nag-iisang Diamond Star. 

Pero ayon kay Maricel, hindi umano siya pumapayag na manampal lang nang basta-basta.

“Requirement ba ‘yun ‘pag isang Maricel Soriano ang nasa…teleserye?” tanong ni Ogie.

“Naku, hindi naman. Hindi naman. ‘Pag nakaeksena lang sa mga pelikula o serye ‘yung mga ganoon at  talaga hinihingi ng script na gawin ko ‘yun saka ko lang ginagawa,” sagot ni Maricel.

Matatandaang kamakailan lang ay inamin ni Maricel na si “Unkabogable Star” Vice Ganda ang pinakamalakas niya umanong nasampal.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, pinakamalakas na nasampal ni Maricel Soriano