Kinapanayam ng TV host-actor na si Luis Manzano ang aktres na si Jennica Garcia sa kaniyang latest vlog nitong Martes, Oktubre 31.

Isa sa mga itinanong ni Luis kay Jennica ay kung sino umano ang pinapangarap nitong makatrabaho sa industriya. 

“Imposible po yata ngayon kasi magkaiba kami ng network. Pero siyempre si Mama [Jean Garcia],” sabi ni Jennica.

“Never pa?” tanong ni Luis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sagot ni Jennica: “Noong napagtrabahuhan kasi namin before, Kuya, together sobrang tagal na. I think I was 18 years old at that time. Tapos hindi ako ganoon ka-passionate about being an actor. ‘Yung pag-aartista kasi, Kuya, ginawa ko lang noong nalaman ko ‘yung suweldo.”

Natawa tuloy si Luis sa naging sagot niya.

Kuwento pa ni Jennica, pagkagradweyt umano niya ng high school, gusto niyang mag-nurse. Pero ayaw daw ng kaniyang ina dahil mababa umano ang sahod sa ganoong propesyon.

Sumang-ayon naman dito si Luis: “Unfortunately, unfortunately. Kailangan mong lumipad pa.”

“At ayaw ni Mama ‘yung idea na lilipad ako,” dagdag pa ni Jennica.

Pero kung wala umanong “Dirty Linen”, magke-caregiver na sana si Jennica. Sa katunayan, naayos na raw niya ang mga kinakailangang papel para mangibang-bansa. Ang kaso, may dumating na offer. Tila nakatadhana talaga siyang gumanap bilang Lala sa nasabing serye.

Matatandaang umani ng papuri ang mahusay na pagganap ni Jennica sa kaniyang karakter na ito. Pinag-usapan siya sa iba’t ibang social media platform.

MAKI-BALITA: ‘Bilang Lala sa Dirty Linen!’ Jennica Garcia, hindi pa rin makapaniwalang nagte-trending ulit siya

MAKI-BALITA: ‘Mata-mata school of acting!’ Janine Gutierrez, Jennica Garcia, puring-puri dahil sa ‘Dirty Linen’