Tila hindi maganda ang kasalukuyang kalagayan ng singer, songwriter, at actor na si Juan Karlos Labajo o mas kilala sa tawag na “JK”.

Ibinahagi niya kasi sa kaniyang Facebook account nitong Miyerkules, Nobyembre 1, ang kaniyang larawan habang nasa ospital at nakasuwero.

“my halloween costume haha happy halloween 🎃” pahayag ni JK sa caption ng kaniyang post.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Umani naman ng pakikisimpatiya mula sa kaniyang mga fans ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Get well soon baby Jk ♥️”

“Tatlong bilyong getwell soon at hndi k nmin iiwan sa ERE💜💜💜”

“Remember the song of Lukas Graham ,dont be scared dont be scared Juan Karlos , pwede naman magpahinga pag may time . eat well drink well live well and get well soon! Love love love”

“Get well soon, babe! See you later! 😚”

“Get well jk.❤ done watching senior high . Take care always idol godbless❤😇”

Pero may isang netizen na tila nakaisip ng kalokohan at itinanong kung anong nangyari sa kaniya.”

“anyare idol? nagpatule ka?🤭”

Pinatulan naman ito ni JK at sinagot nang pabiro: “Alvin Endrinal oo hinimatay ako pagtapos lods”

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na detalyeng inilalabas si JK kung ano ba ang totoong dahilan kung bakit siya naospital.