Usap-usapan ngayon ang ipinakikitang sweetness daw ng "Eat Bulaga!" co-hosts na sina Paolo Contis at Arra Agustin na napapansin ng mga manonood at sumusubaybay rito.

Naloka ang mga netizen sa kumakalat na video sa social media kung saan makikitang tila dumampi ang labi ni Paolo sa noo ni Arra nang pabirong amuyin ng huli ang polo ng aktor.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Video courtesy: official_arrapaolo/TikTok

Napapatanong tuloy ang mga netizen kung "gimmick" lang ba ito para pag-usapan ang noontime show, o may namumuo nang something sa pagitan ng dalawa. O baka naman daw bini-build up lang ang love team nilang dalawa dahil baka may future project sila together.

Kaya marami daw ngayon ang nangangamba para sa karelasyon ni Paolo na si Yen Santos.

Ang dating karelasyon ni Paolo na si LJ Reyes ay ikinasal na sa non-showbiz boyfriend nitong si Philip Evangelista na nakabase sa US.

Samantala, tikom pa ang bibig nina Paolo at Arra hinggil sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.