Napaiyak na lamang ang sumikat na "Badjao Girl" at Pinoy Big Brother housemate na si Rita Gaviola nang okrayin siya ng mga netizen sa kaniyang pagla-live online selling.

Banat sa kaniya ng mga netizen, bumalik na lang daw sana si Rita sa pamamalimos sa mga kalsada kagaya raw ng ginagawa ng iba pang Badjao, at dati niyang ginagawa bago pa siya mag-viral online.

Palag ni Rita, "Nilalait n'yo ko na babalik ako sa pamamalimos, doon na lang? Kahit bumalik ako sa pamamalimos ko, proud ako, naghirap ako. Dumaan ako sa ganoong proseso. Di ba? Hindi maarte! Sana kayo nga rin nagkasakit para alam n'yo e. Di ba?"

"Sasabihin n'yo sa akin, bumalik ako sa pamamalimos ko? Bakit alam n'yo ba 'yung pinagdadaanan ko? Sinasabi ko sa inyo, lait-laitin n'yo ko sa pagiging Badjao ko, proud ako!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Kayo 'yong umalis kasi live ko 'to! Huwag kayong masyadong judgemental. Sasabihin n'yo bumalik ako sa pamamalimos dahil Badjao naman ako? Hindi ako nahihiya na Badjao ako, lalo akong proud," pahayag ni Rita.

Si Rita ay may anak na sa kaniyang non-showbiz boyfriend. Nang hindi maging aktibo sa showbiz ay pinasok na ni Rita ang patok ngayong online selling.