Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos umanong yumanig ang magnitude 6.6 na lindol malapit sa baybayin ng Central Chile nitong Martes ng gabi, Oktubre 31.

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang magnitude 6.6 na lindol sa lugar malapit sa baybayin ng Central Chile dakong 8:34 ng gabi.

Mayroon umano itong lalim na 20 kilometro.

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag ng Phivolcs.

Pinaos pa: Bayad ng UniTeam kay Andrew E, sinayang lang daw—Guanzon

Dahil dito, wala umanong aksyon na kinakailangang gawin kaugnay ng lindol.