Bilang pakikiisa sa komunidad ng mga bingi, at batay sa nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at National Coordination Network of Deaf Organizations (NCNDO), ipagdiriwang ang Pandaigdigang Araw ng mga Wikang Senyas (International Day of Sign Languages, IDSL) noong Oktubre 28, 2023.
Ang IDSL ay isang pagdiriwang na kinikilala ng United Nations (UN) at nagbibigay-pugay sa kahalagahan ng mga wikang senyas sa buong mundo.