Usap-usapan ang pagyakap nang mahigpit ng dating senador na si Atty. Kiko Pangilinan sa kaniyang misis na si Megastar Sharon Cuneta, matapos daw ang "Dear Heart" reunion concert nito sa dating katambal at mister na si Gabby Concepcion, na naganap noong Oktubre 28 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.

Makahulugan ang naging caption ni Atty. Kiko sa larawan nila ng yakapan ni Shawie.

"Kapag natapos na ang oras sa trabaho. 😁😁❤️❤️🙏🙏," aniya.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Muling ipinost ni Kiko ang kaparehong larawan sa FB.

"Pagkatapos ng oras ng trabaho❤️💯🙏🥰😍😘," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Tapos na ang pantasya ng ShaGab, balik na sa realidad hahaha."

"Great man deserve the highest respect. Salute po talaga Sen. Sa'yo pa rin uuwi si Ate Shawie. Trabaho lang walang selosan."

"Salute to Sen. Kiko Pangilinan... very supportive and understanding husband..."

"Confident and understanding husband to Sharon. Trabaho lang 'yan. Keep on supporting each other."

"Very professional!"

Itinuturing ngang "makasaysayan" ang nabanggit na concert dahil sa kauna-unahang pagkakataon, muling nagkasama sa iisang entablado sina Sharon at Gabby, at bonus pa ang pagsama sa kanila ng panganay at nag-iisa nilang anak na si KC Concepcion.

At least daw, sa ilang oras lang ay nakompleto ang pamilya nila.

MAKI-BALITA: ‘Family reunion?’ Sharon, KC, Gabby nagsama sa iisang stage

MAKI-BALITA: Mga faney, kinilig sa yakapan nina Sharon at Gabby