Nakapanayam ni Ogie Diaz sa kaniyang vlog na "">Ogie Diaz Inspires" ang dating misis ni "E.A.T." host na si Joey De Leon, ang beteranang aktres na si Daria Ramirez.

Isa sa mga natanong ni Ogie kay Daria ay ang naging hiwalayan nila ni Joey. Nauntag ng una kung may iniwan ba si Joey kay Daria nang maghiwalay sila.

Pag-amin ni Daria, wala raw.

Pasalamat ang beteranang aktres na ang tumulong daw sa kaniya financially nang mawalan siya ng trabaho dahil sa pandemya ay ang anak na si Kempee.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Ako ang ina, I'm telling you, tinulungan ako ng anak ko, tatlong buwan," aniya.

Sa tanong kung sa buhay ay may hinahanap pa siya o kuntento na, tahasang sinabi ni Daria na naghahanap siya kung saan makakakuha ng pera.

"Iyon ang totoo," giit ni Daria. "Ako pa ba? Hindi ako plastik na tao. Iniisip ko kung saan ako makakakuha ng pera. May mga tumutulong pero hindi naman natin puwede sabihing habambuhay kang tutulungan."

Hindi rin umano sumagi sa isip niyang magpatulong sa mga anak para makahingi ng pera sa dating mister, bagama't nagkausap na raw sila noon ni Joey tungkol sa hiling niyang mabigyan o mabilhan siya ng sariling condo unit.

Pag-amin pa ni Daria, siya mismo ang humiling ng annulment sa kasal nila ni Joey.

May kinalaman ito sa pinansiyal na aspeto. Baka lang naman daw maalala siyang tulungan ni Henyo Master pagdating sa pera, kahit annulled na sila.

"Don De Leon, baka naman you know. Siguro naman nararamdaman mo, ‘di mo lang pinapansin eh. Kailangan ko ng tulong mo," anang Daria na kilala bilang character actress.

"Baka naman maalala mo ako. Hintay lang ako. Hindi lang masabi ng mga anak natin dahil ayaw nilang gumitna. Alam mo ‘yon. At mas lalong alam ko kasi nakakausap ko sila,” ani Daria.

“Tulong pinansiyal?” untag ni Ogie.

Bagay na kinumpirma naman ni Daria. Inamin niyang kahit sanay siyang mag-isa, hirap siya ngayon sa pinansiyal na aspeto.

Isa pa sa mga hiling niya, bigyan daw sana siya ng kopya ng annulment papers nila upang mapatunayang hindi na siya si Mrs. De Leon.

Bago raw sumalang sa panayam si Daria ay nagdasal muna siya sa Diyos upang hilinging sana raw, walang gulo o away na mangyari sa gagawin niya.