Mahigpit ang habilin ng Department of Health (DOH) sa publiko nitong Lunes na huwag nang dalhin ang mga maliliit na bata sa mga sementeryo sa Undas.

Ito’y upang maiwasan anila ang posibilidad na mahawa ang mga ito ng sakit ‘o di kaya ay magtamo ng sugat bunsod na rin nang inaasahang pagdagsa ng maraming tao sa mga sementeryo na dadalaw at magtitirik ng kandila sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I am advising parents and caregivers not to bring small children to cemeteries as overcrowding and intense heat and sudden unexpected downpour may cause diseases to small children,” ayon pa kay Health Secretary Teodoro J. Herbosa.

Dagdag pa niya, bagamat nagpa-plateau na ang sitwasyon ng Covid-19, nananatili pa rin ang banta ng naturang karamdaman.

Mayroon pa rin aniya silang naitatalang mga sporadic at mga pagtaas ng kaso na naitatala sa ilang rehiyon.

Aniya pa, mahina ang resistensiya ng mga bata laban sa impeksiyon.

Samantala, pinag-iingat din naman ng kalihim ang publiko laban sa pagbili ng mga pagkaing itinitinda sa loob at labas ng mga sementeryo, gaya ng mga mangga, sandwich, fruit juice at iba pang street foods.

Aniya, mas makabubuting magbaon na lamang ng sariling pagkain upang makasiguro sa kalinisan ng mga ito.