Kinompronta ng social media personality na si Toni Fowler ang kasalukuyan niyang partner na si Vince Flores o “Tito Vince” sa kaniyang vlog nitong Sabado, Oktubre 28.

Matatandaang noong nakaraang taon ay inanunsiyo ni Toni na opisyal na umano silang magkarelasyon ni Tito Vince matapos nitong manligaw sa kaniya.

MAKI-BALITA: Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?

Habang nasa kotse pauwi ng bahay, sinabayan ni Tito Vince ang panenermon ni Toni sa anak nitong si Tyronia na sinundo nila noon sa school.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Anak, consistent ka nang ilang araw na hindi sumasagot sa mga calls ko. Napipikon na ako. Anak, hindi ka namin pinagbabawalang makipagkaibigan. Pero lagi kong itinuturo sa ‘yo, lagi mong sasabihin kung saan ka; lagi kang sasagot sa call para kung anong mangyari, alam namin kung saan ka pupuntahan,” litanya ni Tito Vince.

Tila hindi naman ito nagustuhan ni Toni kaya nag-usap silang dalawa ni Tito Vince at sinabi niya sa partner ang lahat ng kaniyang saloobin tungkol sa nangyari.

“Ngayon ko lang sinundo si Tyronia. Dapat masaya ‘yun. Pero sinira mo. Bakit? Kasi pinagagalitan mo. Anong sabi mo? Pikon na pikon ka na dahil hindi siya sumasagot ng tawag? Anong usapan natin, Vince? Ilang beses nating naging away ‘to? Ako ang disciplinarian kay Tyronia. Ano ka bata? Mapipikon ka sa bata? Bata ka rin? Pikon na pikon ka? Ilang beses tayong nag-usap na huwag mong gaganunin ang anak ko? Ilang beses tayo nag-usap? Gusto mo realtak-in kita? Hindi mo anak si Tyronia! Wala kang karaptan! Ilang taon kong pinaghirapan ‘yan kaya wala kang karapatan na sabihing pikon na pikon ka sa anak ko!” pahayag ni Toni.

Bagama’t  nauunawaan umano ni Toni ang pinagmumulan ng galit ni Tito Vince, hindi maitatangging lumalaki na si Tyronia at ayaw lang niya umanong magtanim ito ng sama ng loob kay Tito Vince. Baka raw kasi dumating ang panahon na kapag puwede na silang ikasal dalawa, tumutol si Tyronia at wala siyang ibang magagawa kundi makipaghiwalay dito.

Ipinaliwanag naman ni Tito Vince ang panig niya matapos ang mahabang litanya ni Toni. Sabi niya, consistent na nga raw ang hindi pagsagot ni Tyronia ng tawag maski ilang beses na niya itong kinausap nang maayos. 

Gustuhin man niyang sabihin kay Toni ang tungkol sa bagay na ‘yun, wala rin naman daw itong ginagawa. Pero depensa ni Toni, kung wala man siyang panahon para gawin ‘yun, isumbong sa kapatid niyang si Mari Fowler.

“Sinusumbong ko din kay Ate Mari pero wala na ring panahon masyado si Ate,” katwiran ni Tito Vince.

Buwelta naman ni Toni: “So, that gives you the right para pagtaasan ng boses ‘yung anak ko?”

Humingi na lang ng pasensya si Tito Vince sa pago-overstep niya kay Tyronia. Mahal niya lang umano ang bata at nag-aalala siya para dito kaya nagawa niyang sermunan.

Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ni Tito Vince sa isa niyang Facebook post na handa raw niyang gawin ang lahat at ang kahit ano para kay Tyronia. 

MAKI-BALITA: Tito Vince sa kaniyang ‘anak’ na si Tyronia: ‘I will do anything and everything for you’

Pero tila hindi pa rin siya tinigilan ni Toni dahil hindi umano iyon ang unang beses na nangyari ang away nila tungkol sa bata. 

Naghamon pa ng hiwalayan si Toni at lalo pang ipinamukha kay Vince na wala talaga siyang karapatan kay Tyronia.