Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga, Oktubre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:48 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Madrid, Surigao del Sur, na may lalim na 1 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa City of Surigao, Surigao del Norte; City of Cabadbaran, Agusan del Norte.

National

LPA, naging bagyong Kristine na; Signal No. 1, itinaas sa 3 lugar sa PH

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.