Itinampok ng showbiz insider na si Morly Alinio ang kalunos-lunos na kalagayan ngayon ng sikat na sexy star noong 80's na si Brandy Ayala, na halos palakad-lakad na lamang daw sa mga kalsada upang maghanap ng pagkain sa mga basurahan, kahit binibigyan siya ng makakain ng kaniyang mga kapitbahay.

Ayon sa panayam ni Morly sa mga kapitbahay nito na mapapanood sa kaniyang ">YouTube channel, kung ano raw ang makalkal nito sa basurahan, iyon ang kinakain niya.

Kapag daw binigyan o inabutan ito ng pagkain, hindi nito kukunin. Subalit kapag may natipuhan o nakursunadahan, ito na raw mismo ang kumukuha. Hinahayaan na lamang ng mga kapitbahay dahil naiintindihan daw nila ang sitwasyon nito, lalo't may pinagdaraanan ito sa kaniyang mental health.

Sinubukang mag-abot ni Morly ng barya kay Brandy subalit sa halip na pagkain, yosi ang binili nito.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Matatandaang matagal nang napabalita ang nakalulungkot na kalagayan ng sexy star.

Sa comment section naman ng vlog, nawa araw ay matulungan ng barangay officials si Brandy na madala sa nararapat na institusyong makapagbibigay ng aruga sa kaniya.