Inabisuhan ni MMDA Director for Traffic Enforcement Group Victor Nuñez, ang mga biyahero na magtungo sa mga bus terminal, daungan at paliparan tatlong oras bago ang kanilang scheduled trip.
“Paalala natin sa publiko na make sure that you will have enough time for leaving kung kayo ay pupunta sa mga pantalan, bus terminals and airports,” banggit ni Nuñez sa isang pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado.
“Kasi ho talaga, sa dami ng mga umuuwi ngayon, we would expect na talagang tutuhod ang traffic, lalung-lalo na doon sa malapit sa airport and bus terminal. So, at least give three to four hours para siguradong makakarating ho kayo sa oras ng biyahe niyo," anang opisyal.
Binanggit nito ang naranasang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), at Skyway simula nitong Biyernes.
Matatandang idineklarang holiday ang Oktubre 30 (Lunes) at Nobyembre 1 (Miyerkules) at Nobyembre 2 (Huwebes) dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections, at paggunita ng All Saints’ Day, at All Souls’ Day, ayon sa pagkakasunod-sunod.
PNA