Humihingi na ng tulong ang Philippine government sa Israeli defense forces upang mahanap ang dalawa pang Pinoy na nawawala sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.

“We’re hoping na mahahanap pa rin sila,” paliwanag ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Cacdac sa isang forum sa Quezon City nitong Sabado.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Ito ang naging hakbang ng pamahalaan kasunod na rin ng pahayag ng Israeli Embassy sa Pilipinas na posibleng dinukot ng Hamas ang dalawang Pinoy.

Nauna nang inihayag ng Israeli government na mahigit sa 200 ang binihag ng Hamas sa Gaza.

Kaugnay nito, sinabi ni Cacdac na handa na ang pamahalaan sakaling lumala pa nang husto ang giyera sa Israel.

 

PNA