Nagbigay ng mensahe ang komedyante at “It’s Your Lucky Day” host na si Melai Cantiveros-Francisco sa kaniyang Instagram account nitong Biyernes, Oktubre 27, para sa pagtatapos ng “It’s Your Lucky Day”.

Matatandaang umere lang ang nasabing noontime para pansamantalang palitan ang “It’s Showtime” na pinatawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day’ rerelyebo sa ‘It’s Showtime’

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“To Our Lucky Fam , Kamsamiiiii sa 12 Days na kasama nmin kayu , slamaat sa pagtanggap nyu sa aming Family , to my Co lucky Stars , super duper labyu tlaga Instant Connection and relationship is amazing , sa aming Lucky Staff and Crew Super salamat sa guide nyu sa amin at tiwala nyu sa amin , mahal nmin kayu at mamimis nmin ang tawa nyu🥰😁” saad ni Melai sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “And to our Lucky Charm Kuya Lu @luckymanzano na Padre de Pamilya nmin sa @itsyourluckydayna , lagi kami kinakamusta , inaalalayan , at pinaparamdam na importante kmi sa show 🥹😍 We Love u Kuya Lu 😍”

“I love you Melai! At Salamat!😢” komento naman ng kaniyang “It’s Your Lucky Day” co-host na si Luis Manzano.

Nagbahagi rin naman ng samu’t saring saloobin ang mga netizen sa post ni Melai. Narito ang kanilang mga komento.

“Mamimiss namin ang IYLD 🥺 Sana magbalik kayo. Thankyou sa pag alalay nyo sa aming #FranSeth 💙💙💙”

“Im gonna miss this show,but i know for sure the management will give you another timeslot because you give us Lucky Day always❤️”

“We will miss this squad specially my happy pill franseth hosting😭💙”

“I love you Ate Melai @mrandmrsfrancisco see you soon okay? 😘😘😘”

“Parang nkakalungkot nasanayan ko ng panoorin”