Sa muling pagbabalik-telebisyon, nagbigay ng mensahe sina “It’s Showtime” hosts Jhong Hilario at Vice Ganda nitong Sabado, Oktubre 28, para sa buong “Lucky Stars”.

Matatandaang pansamantalang pinalitan ng “It’s Your Lucky Day” ang “It’s Showtime” matapos itong patawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB. 

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day’ rerelyebo sa ‘It’s Showtime’

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“We are forever grateful na may tahanan kami na ang tanging hangad lamang ay magpasaya sa abot ng aming makakaya,” sabi ni Jhong.

Dagdag pa niya: “Of course, sa ‘It’s Your Lucky Day,’ maraming-maraming salamat dahil itinuloy n’yo ang paghahatid ng saya sa lahat ng Madlang ka-Lucky. Syempre si Luis Manzano and of course the Lucky Stars, maraming-maraming salamat. Saludo kami sa inyo!” 

Sumegunda rin si Vice para batiin at purihin ang nasabing show nina Luis na hindi maitatangging minahal na rin ng madla.

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day,’ hinihiritang ilipat ng timeslot ‘pag bumalik ‘It’s Showtime’

“Congratulations sa ‘It’s Your Lucky Day.’ Ang ganda-ganda n’ong na-provide nilang entertainment at pagsasalo with the Madlang Pipol. Maraming-maraming salamat. Congratulations sa inyo, Luis, at sa buong grupo ninyo. Thank you very much!” saad ni Vice.

MAKI-BALITA: #ItsShowtimeReturns trending na; Vice Ganda, excited na maghatid-saya