Tila nagmistulang family reunion ang “Dear Heart” concert nina Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta na ginanap nitong Biyernes, Oktubre 27, sa SM Mall of Asia Arena.

Sa video na inilabas ni Julius Babao, mapapanood ang pagsasama sa iisang stage nina Gabby at Sharon kasama ang kanilang anak na si KC Concepcion.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Naging emosyonal sina Sharon at KC habang kumakanta.

Matatandaang naging excited din si KC sa moment na ito dahil finally magkasama ulit ang kaniyang mga magulang sa iisang stage.

“Sometimes talaga a fairytale will remain as a fairytale na lamang… Pero that’s okay! 🫶🏼 Thankful ako sa mga ‘silver lining’ natin in life ✨” pahayag ni KC sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “Imagine, 3 days nalang at magsasama na sila Mama and Papa in a musical celebration after so many years… May ganito pa palang pwedeng mangyari!!! ♥️🧚‍♀️”

Maki-Balita: KC Concepcion, excited na sa ‘balikan’ ng mga magulang

Samantala, umani naman ng reaksyon mula sa netizens ang video ni Julius.

"Happy for your family kc🤗"

"I got teary- eyed here!"

"Happy Family together. Love this ❤️❤️❤️"

"I love you Gab Sharon and KC"

"Crying here. But so hapi to see u in one place...in a very memorable event. Stay in Gods love mga idol!!"

"Touching,kakaiyak parang sisters lang sila Beautiful family 💕❤️"

"Graving iyak q dto nka2tuwa silang mkita mag ka2sam family is love tlga"

"mkakaiyak naman. reunited family. Touching memories.. Love it.💖💖"

"My gosh! D ko mapigilan luha ko nakakahappy nman po silang tingnan kompleto po sila bilang pamilya ❤️❤️❤️"