Pumalag ang social media personality na si Bea Borres sa isang "fake news" tungkol daw sa kanila ng kaibigang si Andrea Brillantes, ayon naman sa X post ng isang netizen.

Sey kasi ng isang netizen, nababasa raw niya sa TikTok ang iba't ibang fake news na si Bea ay "kabit" daw ng isang nagngangalang "Jason Wang" at si "B" na sinasabing si "Blythe" o Andrea ay pa-booking daw sa mga hotel sa iba't ibang lalaki.

"GUYS sino ba naghahandle kay Bea at Blythe? there are multiple accs on tiktok spreading fake news na Bea is kabit daw ni Jason Wang & si B ay nagbobook ng hotel with diff guys."

"Can someone take an action on this? I can tolerate comments like PABEBE, IMMATURE! BUT not fake news!," komento nito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Niretweet ito ni Bea at kinomentuhan ng "fake news."

https://twitter.com/bela_delapasion/status/1717824879733641596

Matatandaang sinabi at hinamon ng ex-boyfriend ni Andrea na si basketball star Ricci Rivero na maglabasan sila ng "labada."

“puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? 😅 Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline," anang Ricci.

MAKI-BALITA: Ricci, pinatulan si Bea: ‘Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

Ayon sa ulat ni DJ Jhai Ho sa "Marites University," dahil dito ay kumonsulta raw si Bea sa isang abogado upang magtanong kung sakaling puwede niyang sampahan ng reklamo si Ricci dahil sa naging pahayag nito laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Bea Borres, sasampahan ng kaso si Ricci Rivero?

Ibinigay rin ni Ricci ang kaniyang pahayag hinggil dito nang mahingi ni Jhai Ho ang kaniyang panig.

MAKI-BALITA: Ricci Rivero sa pagpalag kay Bea Borres: ‘Sumusobra na sila’