Nakatakdang umuwi sa bansa sa Lunes, Oktubre 30, ang 62 pang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Ito ang tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac sa isang pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado.

Kasama ng nasabing grupo ng OFWs ang dalawang sanggol.

Sinabi ni Cacdac na kabilang ang mga naturang manggagawa sa nakaligtas sa patuloy na digmaan ng Israeli forces at militanteng grupong Hamas.

Aniya, 32 sa mga ito ay hotel workers at 28 naman ay caregivers.

Tumutulong aniya sa repatriation ng mga Pinoy sa Israel ang Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA).