National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Siguradong panalo na ang 30 kumakandidato sa pagka-kapitan sa Iloilo City sa idaraos na Barangay Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Lunes, Oktubre 30.

Paliwanag naman ni Election Assistant II Jonathan Sayno, 27 sa nasabing bilang ay walang kalaban habang umatras naman ang mga kalaban ng tatlo pang kandidato.

Aniya, tig-isang boto na lamang ang kailangan ng mga ito upang manalo.

Kaugnay nito, isisilbi naman ng grupo ni Comelec Provincial Election Supervisor Reiner Layson, ang order of cancellation ng certificate of candidacy (COC) ng isa sa kandidato sa pagka-barangay chairman sa lungsod kaugnay ng petisyong ideklara ito bilang bilang nuisance candidate.

“The effect would be an eventual disqualification for the position that is applied, which is the punong barangay,” pagdidiin pa ni Layson. 

PNA