Tinanong ng isang netizen si Diamond Star Maricel Soriano sa X noong Huwebes, Oktubre 26, kung sino raw ang nasampal nito nang pinakamalakas.

Matatandaang kamakailan lang ay ikinuwento rin ni “Chinita Princess” Kim Chiu kung paano nayanig ang kaniyang buong pagkatao matapos siyang masampal ni Maricel sa TV series nilang “Linlang”.

MAKI-BALITA: Kim nayanig sa sampal ni Maricel: ‘Tinuhog mo dalawang anak ko!’

Ibinahagi ni Maricel sa kaniyang account ang post ng netizen at ibinunyag kung sino ang “masuwerteng” napagbuhatan niya ng kamay.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“I think si @vicegandako, dumugo eh!” sagot ng Diamond Star.

Matatandaang nagkatrabaho sina Maricel at Vice sa pelikula ni Wenn V. Deramas na “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” noong 2013. 

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa iba pang netizen ang naging sagot ni Maricel. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“hahahahahaha that scene from Girl, Boy, Bakla, Tomboy😭 Ikaw kc Mark Jill pinag-araro mo si Girlie kaya si Peter na may karamdaman sa atay ang pumalit kaya ayan tuloy naospital.”

“Pinakamarami si Dingdong naman 😅”

“My gahd, as in? Sa lakas ng sampal biglang nagka-period si vice?”

“Yung masampal ka ni Inay Maria is such a blessing hahahaha”

“Si Dingdong kasi habang sinasampal sya parang nararamdaman ko bawat sampal hahahahahaha”

“pasampal din ho inay!”

“Inay mali ka. Si kuya dong ata😆”

“hinde ba si dingdong nakailang sampal yon 20+ ata o 30+ 😅”

“Dingdong ata parang nawala sa ulirat si Dingdong literal na umulan ng sampal ang intense ng scene na yon grabe”

Matatandaan naman naging mag-asawa ang karakter nina Maricel at Kapuso actor Dingdong Dantes sa teleseryeng “Ang Dalawang Mrs. Real” ng GMA Network na nagsimulang umere noong Hunyo 2014.