Inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang trough ng low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) at northeast monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Oktubre 27.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated light rains ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon dahil sa amihan.

Wala naman umanong matinding epekto ang mga pag-ulan sa mga nasabing lugar.

Samantala, posibleng makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa trough ng LPA o localized thunderstorms.

National

LPA, naging bagyong Kristine na; Signal No. 1, itinaas sa 3 lugar sa PH

Posible umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Inihayag naman ni PAGASA Weather Specialist Aldczar Aurelio na sa kasalukuyan ay mababa ang tsansang makapasok ng PAR ang naturang LPA.