Isang pulis ang isa sa iniimbestigahan ngayon ng pulisya dahil sa posibilidad na may kinalaman sa pagkawala ni Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon nitong Oktubre 12.

Sa pahayag ng Police Regional Office 4A sa isang television interview nitong Huwebes ng gabi, isa sa kaibigan ni Camilon ang nakipag-ugnayan sa kapatid nitong si Chin-Chin at sinabi ang umano'y relasyon ng nawawalang beauty queen at ng pulis.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Ang nasabing pulis ay itinuturing na person of interest ng mga imbestigador.

Nauna nang naiulat na katatagpuin sana ni Camilon ang nasabing pulis sa araw nang siya ay mawala. 

Paglilinaw ng pulisya, pansamantalang sinibak sa puwesto ang nabanggit na pulis habang hindi pa natatapos ang  imbestigasyon sa kaso.

“The removal of the police officer from his position is essential to ensure that the investigation remains free from potential influence and guarantees a fair and thorough examination of the case,” sabi naman ni PRO 4A Acting Regional Director Brigadier General Paul Kenneth Lucas.