Puwede na muling bumiyahe sa EDSA ang mga provincial bus hanggang Nobyembre 6 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at paggunita ng Undas.
Ito ang pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Romando Artes nitong Biyernes at sinabing pinapayagang dumaan sa EDSA ang mga provincial bus simula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw.
“Provincial buses from North Luzon can reach terminals in Cubao, Quezon City,” aniya.
Metro
Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!
Ang mga provincial bus naman na galing Southern Luzon ay puwedeng huminto sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Kaugnay nito, nangako naman si MMDA director for Metro Manila Traffic Management Group Victor Nuñez, magpapakalat sila ng 1,400 tauhan sa mga pangunahing lansangan ngayong long weekend.
Jel Santos