“It's giving unliving ”

Inilabas na ang teaser trailer ng debut Hollywood film ni Liza Soberano na “Lisa Frankenstein.”

Ni-release ang naturang ">teaser trailer ng production company na Focus Features nitong Huwebes, Oktubre 26.

Ginampanan ni Liza sa pelikula ang karakter ni Taffy, ang stepsister ng main character na si Lisa Frankenstein na siyang ginanapan naman ni American actress Kathryn Newton.

Debut Hollywood film ni Liza Soberano, nag-anunsyo na ng premiere date

Pagdating sa teaser trailer, makikita ang eksena ng karakter nina Liza at Kathryn sa loob ng kotse kung saan binitawan ng Pinay actress ang linyang: “That's really weird, Lisa."

Ang “Lisa Frankenstein” ay isa umanong romantic-comedy tungkol sa isang teenager (Kathryn) na na-inlove sa isang makisig na bangkay, na ginampanan naman ni American actor Cole Sprouse.

Nakatakda itong ipalabas sa susunod na taon, bago ang Valentine’s Day.