Tila magiging merry ang Christmas nina Queen of All Media Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste dahil magsama-sama umano sila sa darating na Kapaskuhan.

Ispluk ni Kris sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Oktubre 27, na babalik na sa Pilipinas si Mark sa susunod na mga araw at sa Pasko na ulit sila magkakasama-sama, kung saan kasama nito ang tatlong anak.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Si Mark ang naging cameraman sa umano’y posibleng magiging interview nina Kris at Boy Abunda.

Maki-Balita: Boy Abunda, Kris Aquino nag-reunite sa US; may pasabog nga ba?

Nagpasalamat nga rin si Kris sa mga Batangueño sa pagpapahiram umano nila kay Mark— na siyang vice governor doon.

Maki-Balita: Kris Aquino nagpasalamat sa mga Batangueño sa pagpapahiram kay Mark Leviste

“…Maraming salamat sa mga Batangueño sa pagpapahiram ng inyong vice governor. But in a few days babalik na sya sa 🇵🇭 at sa Pasko, kasama ng 3 anak nya na kaming lahat magsasama. (Christmas is also his birthday.)”

Mukhang tuloy-tuloy na nga ang “harmonious at supportive relationship” nina Kris at Mark dahil matatandaang present din siya nang dumalaw ang Kapamilya star na si Kim Chiu kay Kris.

Maki-Balita: Kris Aquino at Mark Leviste, ‘nagkabalikan’